Anak Pawis
Ipinamahagi ni Ginoong Ignacio Bunye, Tagapagsalita ng Pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapal Arroyo na kabilang sa mga magagaling na nagsayaw ng “Rigodon de Honor” (Rigodon de Gayar) and ating minamahal na si Congresswoman Raquel Arenas.
Ang mga nagsidalo sa kasayahang ito ay mga karamihan sa mga miembro ng Batasang Pambansa, mga matataas na pinuno ng Bansa, at mga ibang maririwasang pamilya. Ang kasayahang ito ay ginanap noong Junio 15, 2008, bilang ala-ala sa gunita ng mga Kastila na sumakop sa Pilipina na mahigit na 300 taon.
Ang Rigodon de Honor ay bahagi nang halos lahat na kaganapan nang mga matataas at maririwasang tao. Sa kaganapan na ito noong Junio 15, 2008, maririnig mo hangang sa labas ng Mendiola ang tumataginting at hagalkapan ng halakhakan, maamoy mo ang ang alingasaw ng masasarap na handa.
Sa mga taong walang tirahan na nakasandig at nakahiga sa tabi ng pader ng Mendiola, ito ay parang biyaya dahil sa kahit amoy lang ay malalanghap nila ang marangyang handaan kahit ni sa panaginip ay hindi matamasa. Kayat habang pumapalaot pa ang amoy ng masasarap na pagkaing inihanda isinabay din nila ang kanilang paghahapunan dahil kahit na walang ulam kundi alamang na dinagdagan ng asin ay mapapasarap din ang kain nila.
Hindi ko mapigilan na itanong sa sarili kung dapat bang magpasalamat sa bansa na umapi at gumahasa sa ating walang kapuwangpuwang na bansa noong kapanahunan ng Kastila? Dapat bang gunitain ang kaugalian na ipinamana at ipagbunyi ang kanilang ala-ala? Tumingin ako sa kapaligiran at aking nakita ang mga miembro ng Batasang Pambansa nagpapasasa sa alak – ligaya – pagkain na nisa gunita ay hindi matitikman nang isang taong isang kahig isang tuka.
Kabilang sa mga ito mga kaibigan kakilala na sumumpa na tutulong sa mga dukha, na sumumpa na lahat ng lakas ng diwa at pintig ng puso ay para sa ikauunlad ng bayang nagdudukha. Lahat sila ay nakangiti, nag-gagandahan ang bihis na ang katumbas ay higit pa sa isang taong suweldo ng isang maestra. Ang nagkinkintabang alahas, perlas, diamante at brilllanteng naglalakihan ay nagpapatunay na ang kaban ng yaman ng bansa ay walang kuwenta kung sa mga alahas nila ikumkumpara.
Naantig ang aking damdamin at hindi ko mapigil ang maghinagpis at malungkot - bakit ganito ang nangyayari sa bayan nating – malayo ang agwat ng mahirap at mayaman. Na-alimpungatan ang aking pagmunimuni ng sa likod ko ay marinig ang magandang serbidora, “Sir may I fill your drinks?” wika niya. Ako ay napatingin sa kanyang maamong mukha, pilit na ngiti abot ng pagkakahiya – ang sabi ko sa sarili…ako si Anak Pawis, galing sa maralita di dapat ako naririto at napapagaya. Ako ay nanghihinayang dahil sa aking suma, ginastos sa kaganapan na ito ay sapat para sa isang malaking eskwela – sapat na para maparam ang gutom ng mga libo-libong taong sa hirap nagdurusa.
(Disclaimer – This Anak Pawis does not espouse Ka Beltran’s ideology and is not related or associated with him. The name came to mind after three shots of “Sherry Oak Balvenie scotch” landing in an empty stomach.)
My Best Friend
-
It was my first day in college and my brother helped me go through all the
hustles of enrollment. At that time, I was not ready for college work, I did
not...
5 weeks ago
1 comments:
It's the sign of times. Tama na iyong drama mo. Sa TV lang iyan.
Post a Comment